top of page

Diskriminasyon sa timbang 



Ni: Czarina Jane Arevalo
 

             
              Mapanghugas na tingin at pananalta sa mga taong sobra sa timbang. Na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin ng nakakarami sating lipunan. At kung minsan ay may makikta tayong “signs” para sa mga sobra sa timbang. Halimbawa sa uv express, may nakalagay na “for slim passengers only”, bawal ang mataba dahil ayon sa mga driver ay nababawasaan ang kanilang kita. Ngunit tama ba na tratuhin silang, ang obese o sobra sa timbang, ng hindi pantay sa natatamasa ng iban tao.


               Ayon sa LTFRB, kung minsan ay doble ang singgil kapag ang isang tao ay mataba, paano naman kung payat halahati lang yung singgil sa pamasahe?Ayon din sa kanila, binabalaan nila ang mga uv expreess na tanggalin ang mga signages na mapangmata.

               Ayon sa LTFRB, kung minsan ay doble ang singgil kapag ang isang tao ay mataba, paano naman kung payat halahati lang yung singgil sa pamasahe?Ayon din sa kanila, binabalaan nila ang mga uv expreess na tanggalin ang mga signages na mapangmata.

               Hindi lang sa mga pampubliko na transportasyon, ito din ay ng yayayari sa paghahanap ng trabaho. Kapag ang isang tao ay mapayat/sexy ay tanggap na at kapag naman mataba/chubby, we will call you back na lang.

               Huwag na tayong lumayo, ng diskriminasyon sa timbang ay nangyayari sa eskwelahan. Tuksuhin ang mga chubby/matataba, minsan dinadaan ito sa pabiro ngunit sabi nga nila, na jokes are half meant. Niloloko na napabayaan sa kusina.

              Hindi nila sila ay nakakasakit na ng ibang tao, na dumating na sa punto na bumababa ang self-esteem nung tao, na nadedepress na siya sa mga mapangmata na mga tao.

              Dalawa ang maaaring kalabasan nito. Una ay magpupursige siya na magpapayat dahil ayaw na niyang maranasan muli ang panlalait sa kanya. Pangalawa, mananatili na lang siya na mataba dahil yun na yung tingin na mga tao sa kaniya. Lalo lang siyang kakain ng kakain dahil nakatatak na sa isip niya na mataba siya at wala akong kwenta dahil mataba ako.

               Ayon sa isang nutritionist at dietitian, na hindi lahat ng matataba ay dapat husgahan, may ilan sa kanila na hindi talaga ginusto ang pagiging mataba. Huwag natin dapat husgahan ang panlabas na anyo ng isang tao dahil hindi siya perpekto.

              Sa madalian nakuha, sa madali                  din makukuha ang buhay

    
                                                       Ni: Czarina Arevalo

               Sa modernong panahon, maraming ng paraan upang gumanda. Mga pills, tutorials, herbal medicine at ang usong uso na surgery.

              Lalo na ang liposuction, isang uri na cosmetic surgery na ginagamit upang alisin ang mga hindi kanais nais na taba sa katawan. Ito ay isinasagawa sa mga lugar ng katawan kung saan ang mga deposito ng taba ay may posibilidad na mangolekto, tulad ng mga puwit, bewang, balakang at tiyan. Ang pamamaraan ay karaniwang ginagamit upang mapabuti ang itsura kaysa sa mga kondisyon ng kalusugan.

              Ang liposuction ay permanenteng nag-aalis ng tabang mga selyula at maaaring baguhin ang hugis ilagay mo sa timbang pagkatapos ng pamamaraan.

             Dapat kung susubok ng anumang cosmetic surgery dapat isaalang-alang, ito ay isang malaking desisyon ito dahil ang buhay ng tao ang nakataya dito. Dapat handa sa mga posibilidad na mangyari.

            Ngunit sa magandang pangangatawan ay buhay ang kapalit. Kaya dapat pag isipan ang mga aksiyon na ating gagawin bago tayo sumubok ng mga na ikapapahamak natin.

Paghuhusga mo, itigil mo
ni: Darsen Naynes
 

            “Ang taba mo” “Ang laki mo e” “Ang sikip naman, magpapayat ka nga”, ilan lamang yan sa mga hinuhusga sa mga matataba.

 

            Dumarami na ang pursyento ng matataas ang timbang sa ating bansa dahil dito marami na din ang pursyento ng pambubully. Ang raming pahayag ang mga tao sa mga matataba na hindi nila alam na nakakasakit na sila.

            Panghuhusga ay isang masamang gawain ng mga tao kung saan nakakaimik ang mga tao ng masasama sa kapwa. Nagdudulot ito ng pagkababa ng tiwala sa sarili ng isang tao.

 

            Sa kabila ng mga panghuhusga na ito nakakapagpabago din ito ng ugali ng isang tao. Kung ang isang tao ay hinuhusgahan mo mapipilitan siyang magbago sa ugali man o sa pisikal na anyo. Kung iisipin natin may mga bagay na maganda at masamang dulot ang verbal bullying.

 

            Sa mga pahayag na hinuhusga ng tao sa mga matataas ang timbang marami ang nasasak dahil tila nakakaramdam sila ng diskriminasyon sa paligid.

 

            Kung kayat ang mga paghuhusga sa ting lipunan ay kailangan ng itigil upang mawalan ng diskriminasyon at magkaroon ng tiwala sa sarili ang mga nasa paligid natin.

 

            Pantay-pantay lang dapat ang tangin ng bawat isa sa kapwa. Mataba man o mapayat, mayaman man o mahirap, lahat tayo nahinga sa iisang mundo.

     Oplan: Tamang Timbang

 

                                          ni: Darsen Naynes


 
          Lumalaki na ang pursyento ng mga taong may mataas na timbang sa Pilipinas ngayon. Pawang ang iba pa ay walang pakialam sa kanilang kalagayan kung sila’y mataba.

 

          Pambubully at mga sakit ang mararanasan mo kung ikaw ay may mataas na timbang. Maraming sabi-sabi na ang mataas na timbang ay malusog at tama lamang.

         

         Sa sabi-sabing iyan nagkakamali ang mga tao. Kailangang aksyonan ang pagdami ng mga taong may mataas na timbang dahil ito ay masama sa katawan ng tao.

 

        Maraming bagay na pwedeng gawin ngunit kailangan ng pagtutulungan at programa na patungkol sa mga may matataas na timbang bata man o matanda.

 

        Dapat ng aksyonan ng gobyerno upang hindi na madagdagan ang pursyento ng mataas na timbang at mababang timbang. Lahat ng tao ay karapat-dapat may normal na timbang.


        Kung ating susuriin hindi nauubosan ng tao ang mga restaurant ngayon lalo na ang mga sikat na fastfood chain. Dapat na bang bawasan ang mga restaurant sa Pilipinas upang mabawasan na din ang mga taong may mataas na timbang?

Teenagers na obese at overweight


                                            Ni: Czarina Arevalo

          Pabata na ng pabata na ngayon ang pagiging obese at overweight .Nawawala ang healthy lifestyle bata pa lamang.

         Hindi maganda ang pagiging obese sapagkat kaakibat nito ang maraming problema sa kalusugan gaya ng diabetis, alta presyon, sakit sa puso, stroke, ilang kanser, at posibleng magbigay-daan sa maagang kamatayan. Bagaman at ang mga komplikasyon ay hindi pa kagyat na makikita sa mga teenagers , ma­ipapayo nang mag-ingat sila sa kanilang paraan ng pamumuhay nang hindi ito mauwi sa diabetis at alta presyon. Kadalasan, ang mga taong obese na habang teenagers pa lang ay nagiging obese na rin pagtanda.

       Sa pagsulpot at pagdami ng mga fastfood chains sa bansa (na bawat order ng meal ay may kaakibat na French fries at softdrinks – at lagi pang may alok na i-upsize ito), hindi malayong magkaroon ng ma­raming kabataang Pinoy na masasabing overweight na o obese. Idagdag pa na karamihan sa mga kabataang ito ay mas gustong kumain sa labas kaysa sa bahay.


       Habang mablis pa ang metabolism, simulan na ang pagdidiet  upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha habang maaga pa.

Mataas at Mapanganib
Ni: Kaila Mecija

           
            Tumataas na ang bilang ng mga Pilipino na mataas ang cholesterol na nagdudulot ng iba’t ibang sakit na nagpapahina sa katawan ng isang tao at kahit mga kabataan ay bikitima na nito.

         
           Mahilig ang mga Pilipino sa mga pagkain lalo na sa mga okasyon o handaan tulad g kasal, kaarawan, anibersaryo at marami pang iba. Ngunit ang mga pagkain ito ba ay may dulot sa ating katawan na mabuti o ito ang nagdudulot sa ating katawan ng panganib?

           Mayroong mga pagkain na mataas na cholesterol at kung an gating katawan ay magtataglay ng labis na cholesterol, ang ating katawan ay maaaring maugnay sa malubhang karamdaman tulad ng stroke, hypertension at coronary heart disease. Ngunit, mayroong cholesterol na hindi masama ito ayang tinatawag na HDL cholesterol o ang tinatawag naa ”good cholesterol” na siyang solusyon upang mapababa ang “bad cholesterol” sa katawan ng isang tao.


          Ang pagkain na nagtataglay ng good cholesterol ay ang oatmeal dahil ito ay naglalaman ng soluble fiber na tumutulong sa pagtanggal ng bad cholesterol sa katawan at kapag madalas itong kainin, mapipigilan nito ang pagsipsip ng dugo sa bad cholesterol at makatutulong sa pag-alis ng toxins sa katawan. Isa pa rito ay ang nuts gaya ng mani, almonds, walnuts at kasuy ay nagtataglay ng unsaturated fats na mabuti sa kalusugan ngunit kailangan nating iwasan ang mani na iprinito dahil ito ay nagtataglay ng trans fat na hindi maganda sa ating katawan.


           Nagtataglay din ng good cholesterol ang avocado dahil ito ay mayroong beta-sitosterol na isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng bad cholesterol. Ang olive oil at margarine ay makatutulong din na makapagpababa ng bad cholesterol dahil ito ay mayroong plant-based fat na nagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan. Nakabababa rin ng total cholesterol level at nakatutulong sa pagpapapayat ang pagkonsumo sa mga ito lalo na ang olive oil.


            Ang pagkain na dapat naming iwasan n gating katawan ay ang ice cream at cake dahil ito ay karaniwang umaabot ng 2.5 grams ang trans fat ng bawat serving ng cake. Ang ice cream at sundae naman na maraming sangkap ay maaaring maglaman ng 9 grams ng trans fat bawat serving. Ito ay delikado lalo na sa mga taong may high blood pressure. Isa pa rito ay ang steak at roast beef dahil ang mga ito ay mayaman sa saturated at unsaturated fat. Ang higit-kumulang 113 grams ng steak ay katumbas agad ng 22% ng recommended daily allowance sa pagkain ng cholesterol. Pagkakain nito, hindi ka na maaaring kumain ng maraming karne at matatabang pagkain sa loob ng isang araw kung gusto mong makaiwas sa high blood pressure.

Ilan lamang iyan sa mga pagkain na dapat nating limitahan upang ang ating katawan ay malayo sa panganib at ang mga pagkain na dapat nating ikonsumo upang ating katawan ay maging malusog. Upang malaman kung an gating katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol, kumonsulta sa doktor at sumailalim sa blood test.  

=

  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
  • Pinterest - Black Circle
bottom of page