top of page

Produktong pampapayat di ligtas at may halong shabu, kinumpiska

Ni: Czarina Arevalo

     DAVAO- Pinagkukumpiska ang mga produktong pampapayat na hindi ligtas sa kalusugan ng tao at may halong sangkap na shabu.

          Di ligtas na slimming products ayon sa FDA-DOH IX:
Ballet Dancer Fat Reducing         
Bio-lissom fat reducing 
Elegant shape  fat reducing
Goodliness fat reducing 
Happy slim 
Lightness fat reducing
Maggie Shen Ting Anti-obesity
Modeling Fat Reducing
New Original lightness
Fat reducing perfect figure slimming

 

         Ayon sa Food and Drug Administration nakitaan ito ng sangkap na ampethamine, na nagiging dahilan nang pagkawala ng gana sa pagkain.

       “ Ampethamine is a precursor for should so hindi siya nakakabuti sa ating kalusugan and these products are already ordered by FDA for seizure and confiscation ,” ayon kay Arnold Alindada (Food and Drug and Regulation Officer, FDA-DOH IX)


        Babala ng FDA. maging mapanuri at maingat sa pagbili ng mga produkto, at siguraduhing registered ang tindahan.

Mga Pagkaing may Mataas na Cholesterol kailangang iwasan
by: Darsen Naynes

               
            Dumarami na ang pagiimbento ng mga masasarap na pagkain sa panahon ngayon. Sa pagdami ng mga masasarap na pagkain rumarami din ang mga restaurant na may ibat’ibang putahe na nagdudulot ng negatibong bunga sa ating katawan dahil meron itong cholesterol.
                   

            Ang choleterol ay kailangan ng katawan sa pagbuild-up ng cellshormones at Vitamin D. Kasama rin ito ang tumutulong sa pagtunaw ng mga laman sa tiyan. Ngunit ito ay ay mapanganib kapag labis ang dami sa katawan.

             Ang pagkain ng macholesterol  tulad ng burger, fries, chicken, junk foods at marami pa ay masama dahil nakakataas ito ng timbang at nagdudulot ito ng marami sakit tulad ng stroke at sakit sa puso.

 

           Marami ng mga kainan sa Pilipinas na ang putahe ay ibat ibang uri ng burger na halos lahat ng tao ay magugustohang tikman kahit na masama o nagdadagdag ng malaki sa timbang ng isang tao.

 

          Dahil sa pagtaas ng timbang ng tao nagpagaralan na may mga pagkain na makakatulong sa pagbaba ng cholesterol at nakakapagpapayat din sa mga gustong magbawas ng mga kinain na may masamang dulot.

 

          Dahil sa pagkain din nanggagaling ang kolesterol,ang pagkain ng wasto at masustansya ay ang pinakamahalagang paraan upang mapababa ang antas ng kolesterol sa iyong katawan. Ang masustansyang pagkain tulad ng bawang, malunggay, tofu, sitaw, mga isda at marami pang iba.

 

         Kung nagugustuhan nating magbawas ng timbang kailang ng disiplina at pagtiwala sa mga ginagaw mo at ng ibang tao.

Belo naglabas ng panibagong produkto pampapayat
Ni: Czarina Arevalo

Ni : Czarina Jane Arevalo

    Nagbigay pag-asa si Dr. Vicky Belo sa mga taong sobra sa timbang gustong mabawasan agad ng timbang ngunit sa ligtas na paraan.

    Una na dito ang pag-intake ng Herbal Diet Pill, na isang suplemento na ginawa ng Belo medical Group na gaing ang sangkap sa mga purong halaman.

 

     Binabawasan nito ang sobrang gana sa pagkain  at mabilis na tinutunaw ang mga taba sa katawan. Pero pinapaganda rin nito ang blood circulation at nakatutulong na gawing energy ang mga carbohydrate na walang side effects tulad ng heart palpitations. Isang kapsula lang kailangan sa loob ng sampung araw para makita ang 4 lbs. na kabawasan sa timbang.

    Mabibili lamang ang Herbal Diet Pills kung ito ay reseta ng doktor matapos magpakonsulta upang malaman kung mabisa ang gamot, hindi maaari na tuloy-tuloy ang pag-inom pagkaraan ng sampung araw.


    Naglabas din ng Belo’s CoolSculpt, ito ay isang non-surgical na paraan ng pagtutunaw ng taba na gumagamit ng cryolipolysis. Pinalalamig nito ang fat cells sa ilalim ng balat hanggang mawala ng tuluyan. Kapag naging crystal na kasi  ay namamatay ng kusa ang fat cells.

    Inirerekmenda ni Vice Ganda ang dalawang produkto, dahil siya mismo ay nakaranas na gumamit ng produkto ito.

 

        Halos lahat ay namomroblema dahil sa paglaki ng katawan at sa kadahilanang gustong pumayat ay hindi na kumakain ngunit hindi na kailangang mamroblema sa kung ano kakain para pumayat at makakakain na din kahit nagpapapayat dahil sa natuklasan ng mga expert.
                   

       Dumarami na ang pursyento ng mga taong matataas ang timbang na pawang wala lang sa kanila. At dumarami na rin ang namomroblema dahil sa pagbigat ng timbang.
   

      Ang okra ay isang masustansyang pagkain na sabi ng isang expert ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang.


      Maraming nagsasabi na ang okra ay hindi masarap na pagkain. Maraming daing na nakikinig sa paligid dahil sa anyo nito ngunit hindi nila alam na maraming magandang idinudulot ito sa ating katawan.

 

      Hindi na nangangailangang tumigil sa pagkain ang mga obese dahil sa sinasabing nakakapagpapayat na okra.

 

      Marami ding magandang dulot ito sa katawan, hindi lang nakakapagpapayat. Nakakapagpalayo sa mga sakit tulad ng cancer at diabetes.

Okra, pagkaing nakakapayat
By: Darsen Naynes
 

Sakit sa puso pangunahing dahilan ng pagkamatay
                                                            By: Czarina Arevalo

      Nangunguna pa rin ang Cardiovascular disease (CVD)  na nakakamatay hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

      Ayon sa Philippine Heart Association (PHA) sa 47th annual convention, Dr. Don Robespierre Reyes, editor-in-chief ng PHA journal “The Heart”, na ang CVD ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong mundo.

      Sinang ayunan naman ito ni Dr. Jorge Sison, namahala ng event, sa 10 taon na lumipas mas dumarami ang nagkakaroon ng cardiovascular disease sa Pilipinas.

     “Heart attack and stroke are the number one killer in the country”, ayon kay Sison

      Isang pagsubok sa Philippine Heart Association (PHA) ay kung mamareach out sa mga Pilipinong may cardiovascular disease.

     60-70 na porsyento sa mga Pilipino ang hindi nagpapagamot o hindi nagpapatingin sa cardiologist, sa kadahilan na mahal ang papatingin sa doktor at papagamot.

     Apela ni Dr. Sison sa Department of Health (DOH) at PhilHealth na tulungan ang mga taong may cardiovascular disease.

     Umaasa si Sison suportahan ng gobyerno ang pagpapakalat ng impormasyon, at palawakin ang health coverage at insurance para sa may sakit sa puso.

Langis, nangunguna sa may pinakamataas na Saturated Fat Foods
Ni: Darsen Naynes

     
   Sa tatlong beses na pagkain sa isang araw, lagi tayong gumagamit ng langis para sa ating ulam. Ang langis ang pangunahing pangangailangan upang makapagluto ng masarap na putahe.
 

 Maraming uri ng langis ang naiimbento sa panahon ngayon, may vegetable oil, palm oil, virgin oil, coconut oil at iba. Sa mga uri ng langis na ito ibat iba ang pursyento ng saturated fat

Ayon sa isang research, ang langis na may mataas na pursyento na saturated fat ay ang coconut at palm oil. Ang komersiyal na naprosesong palm at coconut oils ay partikular na mataas sa saturated fat at ito’y  binubuo ng 93% saturated fat na account para sa 470% ng mga araw-araw na halaga sa isang 100 serving.

 

Kung iyo ang may pinakamataas na pursyento ng saturated fat at tatlong beses tayo sa isang araw kumakain marami ang maglalakihan ang timbang, na isa rin sa problema.

 

Marami tayong pagkain na pwedeng kainin ngunit mas pinipili natin yung mas masarap at nakakahalimuyak sa mga mamamayan. Marami pang mga pagkain na may mataas na saturated fat na iniisip natin na maganda ang idinudulot sa ating katawan.

 

Ang iba pang nangunguna sa may mataas na saturated fat ay ang butter kung saan ay minsan din nating ginagamit na pampalit sa langis, taba ng hayop na maraming dinudulot sa ating katawan hindi lang nakakataba at marami pang iba.

Mga inumin na dapat iwasan

                                       Ni: Czarina Arevalo


 

      Sa artikulo na isinulat ni Dr. Ramon Abarquez, National Academy of Science and Technology (NAST) academician, ayon sa kaniya na dapat iwasan inumin na may alkohol, caffeinated, energy drink, at salt surfeit.

       “Salt can make high blood pressure (BP) much worse although in others, with inappropriate renal salt excretion, it may result in further blood pressure elevation,” Dr. Abarquez

       Ang sobrang salt ay maaring panatilihin ang tubig at lumaki ang puso.“Thus, reduced salt or sodium intake is a strongly recommended as part of a healthy diet,” ayon kay Abarquez

       Nabanggit din na ang caffeine sa kape ay nagpapalakas sa central nervous system, na gumagawa ng tachycardia, pagtataas ng metabolic rate at BP rise.


       Kahit na ang decaffeinated na kape ay meron pa rin na caffeine ayon sa kanya habang ibinahagi niya ang mga sumusunod na data:


Energy drinks: 72 to 150 mg per bottle
Coffee: 60 to 150 mg per cup.
Non-Rx pain killer, appetite suppressants, cold-cough remedies: > 65 mg.
Colas: 47 to 64 mg per 12-ounce can
Tea: 40 to 80 mg per cup
Chocolate bars: up to 35 mg per ounce
Cocoa: up to 8 mg per cup
Decaffeinated coffee: up to 7 mg per cup

         Ayon naman sa American Heart Association ang pag inom ng kape na isa o dalawang beses sa isang araw ay ayos lang,ngunit lagpas sa dalawa ay delikado na para sa mga taong  may sakit sa puso.

=

  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
  • Pinterest - Black Circle
bottom of page