top of page

Beautifully
Ugly

Mga nararamdaman dahil sa timbang
Ni: Darsen Naynes

Pagbabara ng ugat sa puso, mataas na presyon, diabetes at stroke ilan lamang iyan sa mga sakit na sanhi ng malaki ng timbang.

 

Malaki na ang pursyento ng obese o may mataas na timbang sa buong mundo. Ngunit sa malaking pursyento na ito, alam ba nila ang bunga nito? 

 

Ang pagiging malusog ay isang magandang gawi sa ating katawan ngunit kailangan din nating balansehin ang mga bagay na kailangan natin kainin para di tayo makaramdam ng malubhang sakit.

 

Marami ang sakit sanhi ng pagkataba. Ito ang limang nangunguna ng sakit kung ikay obese o mataas ang timbang :

 

  1. Pagbabara ng ugat sa puso- sa ganitong kalagayan nababawasan ang dugong dapat na makarating sa puso.  Mararamdaman ang pagsakit ng dibdib at kakapusan ng paghinga.

  2. Pagtaas ng presyon- Ang sobra-sobrang pagtrabaho ng puso para mapadaloy muli ang dugo ay nagdadagdag ng presyon sa katawan kung kaya ang matataba  ay madalas na nakararas ng alta presyon.

  3. Diabetes (Type 2) - ito ay isa sa mga sakit na pwedeng makuha ng mga obese. Ang type II diabetes ay ang hindi pagtugon ng katawan sa insulin kapag tumaas ang asukal sa dugo ito ay dahil sa taba na nasa mga cells.

  4. Stroke- Kapag sobrang mataba ang isang tao, napakalaki ng posibilidad na ang ugat na daanan ng dugo ay may mga bahagi na naiipunan din ng taba. Paglipas ng panahon at tuluyan nang naging barado ang daanan dahil sa nakaharang na taba, maaaring pumutok ang parteng ito at mabuo ang “blood clot”.

  5. Hypercholesterolemia- ito ay ang pagtaas ng cholesterol sa dugo. Ang mga ito ay maaring maging sanhi ng sakit sa puso. Kapag mataas ang taba at cholesterol maari itong bumara sa mga ugat sa katawan at sa puso na siyang magpapahina ng pagdaloy ng dugo.

the

Meet
ADMIN

CZARINA JANE

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon

DARSEN CLAIRE

Healthy na, Masarap pa!
Ni: Czarina Arevalo

Hilig natin  mga Pilipino ang pagkain, kaya maraming negosyanteng na may-ari ng restaurant ay nagiibento ng mga bago pagkain na papatok sa panlasa ng mga tao.


Isa sa mga ito ay ang kinagigiliwan at paborito natin lahat ay ang burger. Pinageexperimentuhan ito upang magbigay na bago sa panlasa ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng masarap at nakakabusog na ito ay may tinatagong masamang epekto sa ating katawan.

 

           Kaya para sa mga taong hirap iwasan ang pagkain sa burger, meron pang paraan. Mas healthy at masarap na, at ang sangkap na magbibigay ng kakaibang twist ay ang gulay na malunggay.

 

Mga sangkap:
500 grams ground beef loin (80% lean meat with 20% fat)
1 sibuyas
2 cups malunggay leaves, chopped
4 malunggay pods meat, cooked and meat scraped out
1/2 teaspoon salt1/2 teaspoon black pepper


Paggawa:
1. Paghaluin ang mga sangkap sa isang bowl pagkatapos ay imolde ito gamit ang inyong kamay. Sa pagmomold ng karne huwag itong masyadong pisilin upang hindi mawala ang pagkajuicy ng ground beef (note: siguraduhin na malinis ang mga kamay)



 


2. Prituhin na 4 minuto ang unang side at mga 3 minuto lang yung kabilang upang hindi madry yung beef.
3. Lagayan ng butter yung buns at paintin.
4. Maghiwa ng kamatis,at sibuyas na puti (iprito ito saglit lang)
5. Iprepare na ang buns at ilagay yung burger, kamatis, kesong puti, gulay na nais niyong ilagay.

Palaman :
Mayonnaise
Pepper
2 tbsp garlic puree
1 tbsp honey
Kesong puti

Paggawa:
Pahaluin ang mga sangkap except sa kesong puti, ang ito ay durugin gamit ang kamay upang maging buo yung ibang parte nito dahil igroground lang ang kesong puti.

 

Sa simpleng paraan maari na maging healthy ng hindi umiiwas sa mga paborito nating pagkain. Konting pageexperimento makakagawa tayo ng makabagong recipe na papatok sa resto at tao.

paano ba pumayat?

Ni: Darsen Claire Naynes

         Maraming naga-alala sa kanilang timabang lalo na ang mga kababaihan. Maraming nagtatanong at ginagawa na ang lahat para magpapayat.         

         Herbal, ihersisyon, hindi kumakain ilan lamang iyan sa mga ginagawa nila para makarating sa normal na timbang at pumayat.


Maraming paraan sa pagpapayat, ngunit alin nga ba ang epektibo at magandang gamitin? Halos lahat ng gustong magpapayat ay ginagawa ang lahat ngunit hindi nila alam kung maganda ba ito dahil may mga paraan na nakakapagpapayat ngunit may ibang epekto sa katawan.

 

Ayon sa isang eksperto ang kailangan ay disiplina sa sarili at Ang tagubilin ng mga expert ay magbawas lamang ng kalahati hangang isang kilo bawat linggo upang hindi mabigla ang iyong katawan sa pagbabawas sa dami ng kaloriyang nakasanayan nito.

 

Ang pagbabawas ng timbang ay halos nakabatay sa pagkain. Kailangang alamin ang mga nutrition facts ng mga kinakain.

 

May isa pangpahayag ang mga eksperto, huwag panatilihing tingnan ang timbang upang hindi madismaya sa kakalabasan. Tingnan ang timbang tatlong beses sa isang buwan.


Makakamit natin ang inaasam na timbang kung ang may tiwala at disiplina tayo sa mga ginagawa.

at

RIce, ano ang dulot?

Ni:Darsen Naynes

        Halos lahat ng tao na may matataas na timbang ay nagbabawas ng kanin na kinakain, bakit nga ba?                   
        Kanin ay isa sa lagi nating kinakain tatlong beses sa isang araw. Ngunit alin nga ba ang magandang uri ng kanin na dapat kainin lalo na sa gustong magbawas ng timbang dahil hindi maiiwasan ang pagtigil ng pagkain ng kanin? 

 

White rice at brown rice ito ang dalwang uri ng bigas ngunit alin ang mas masustansiya sa mga nagbabawas ng timbang.

 

        Ayon sa mga eksperto ang mas masustansyang kanin sa mga nagda-diet ay ang brown rice.

        Ang brown rice ay may 30 grams na fiber na kailangan ng ating katawan ito din ay madaling matunaw sa tiyan hindi katulad ng white rice na matagal. Ang brown rice din ay may maunting sukat ng calories na dapat kainin ng mga nagpapayat.


        Ngunit kahit mas masustansya ang brown rice, mas ginagamit ng mga nagpapapayat ang ang white rice.
 

More, MORE!

=

  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon
  • Black Twitter Icon
  • Pinterest - Black Circle
bottom of page